BIA IA MODEL FARM GREENHOUSE, NAGDIWANG NG MASAGANANG HARVEST FESTIVAL

Nanguna ang mga opisyales ng Bayanihan (Hagonoy) Zone 3 Irrigators Association, inc.  sa pagsisimula ng Harvest Festival ng BIA IA Model Farm Greenhouse

by:  Diana Faith F. Alcantara , IDO A , Davao del Sur  IMO - Uploaded May 9, 2024

Isang masigla at makulay na Harvest Festival ang ipinagdiwang ng Bayanihan (Hagonoy) Zone 3 Irrrigators Association, Inc. o mas kilala bilang BIA. Ito ay ginanap noong ika-3 ng Mayo 2024 sa Brgy. Lapu-labao, Hagonoy, Davao del Sur at nagmarka ng isang makabuluhang tagumpay ng BIA sa kanilang IA Model Farm Greenhouse. 

Iba’t ibang personalidad ang dumalo sa naturang aktibidad at nagpakita ng kanilang suporta para sa magsasaka ng BIA.  Kabilang dito sina NIA XI Construction Management Section Head Engr. Ma. Mae Edullantes, NIA Davao del Sur IMO Division Manager Engr. Dexter Tinapay, Davao del Sur Provincial Agriculturist Raul Fuenconcillo, Municipal Councilors of Hagonoy Hon. Domingo Alalong Jr. at Hon. Helen Nuñez. Nagpahayag naman ng kagalakan sa mga suportang natanggap ang BIA mula sa pahayg ni IA President Allan Abillon. 

(From right to left)  LAPOSA IA President Henry Valdez, UPSFIA IA President Ma. Alma Maravillas, DTI Representative Roxette Jam Temperatura, Davao del Sur Provincial Agriculturist Raul Fueconcillo, NIA XI Supervising IDO Luzvimind Aclao, NIA XI Construction Management Section Head Engr. Ma. Mae Edullantes, NIA Davao del Sur IMO Sr. IDO Engr. Saturnino M. Apiag, Municipal Council Hon. Helen Nuñez, Municipal Councilor Hon. Dominggo Alalong, NIA Davao del Sur IMO Division Manager Engr. Dexter Tinapay, Agricultural Technologists Joseph Lausa and BIA IA President Alan Abillon. 

Kasama rin sa okasyong ito ang Super711 Engineering and Construction sa katauhan ni Ms. Nena Mawalic upang ipresenta ang mga metolohiya sa pagpaparami at produksyon ng mga pananim sa isang Greenhouse na may Drip Irrigation System. Naipamalas din ang Convergence sa pamamagitan ng aktibong diskusyon ng Department of Trade and Industry-Davao del Sur Representative Roxette Jam Temperatura sa Value-Adding Opportunities and Market Development. 

DTI Representative Ms. Roxette Jam Temperatura ay nagbahagi ng bagong mga ideya para sa pagdadagdag ng halaga at pagpapaunlad sa merkado para sa mga pananim tulad ng lettuce at Oyster Mushroom.

Ang Harvest Festival ay isang patunay sa dedikasyon at masigasig na pagsisikap ng mga lokal na magsasaka at ng NIA sa pagsulong ng sustainable agriculture. Ipinapakita ang masaganang bunga ng mga inobasyon at makabagong teknolohiya upang mapahusay ang pamamahala at produksyon ng high value crops tulad ng lettuce at Oyster Mushroom. 

Ang mga sariwang lettuce na naani ng mga dumalo sa Harvest Festival ay nilinisan upang timbangin, sa tulong ng technician mula sa Superb711 Engineering and Construction.

Sa pinaka-unang ani ng BIA IA Model Farm Greenhouse, nakakuha ang ating mga magsasaka ng 16.5 kilos ng lettuce at mahigit-kumulang 63 kilos ng Oyster Mushroom na naibenta nila sa halagang Php 200/kilo para sa lettuce at Php 400/kilo para naman sa mushroom. 

Pinangunahan ng mga kababaihan ang pagtitimbang ng mga nakuhang Oyster Mushroom mula sa BIA IA Model Farm Greenhouse

Ang Harvest Festival ng BIA IA Model Farm ay hindi lamang ipinagdiriwang ang matagumpay na pagsasaka ng mga pananim sa unang yugto ng operasyon nito. Ito rin ay nagpapakita ng kahalagahan ng mga IA Model Farm Greenhouse sa pagsulong ng seguridad sa pagkain sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan sa produksyon. 

NIA Davao del Sur IMO masiglang ipinahayag ang kanyang mensahe ng suporta para BIA IA Model Farm Greenhouse

Sa pamamagitan ng proyekto na ito, maipapamalas pa natin ang iba pang mga pwedeng ibigay na potensyal para sa ating mga magsasaka lalo na patungkol sa seguridad ng pagkain”, ani ni NIA Davao del Sur IMO Division Manager Engr. Dexter. F. Tinapay sa kanyang mensahe. 

Bukod dito, ito rin ay isang mahalagang pagkakataon upang kilalanin ang pagsisikap, dedikasyon, at kasanayan na ipinuhunan sa pagpapalaki ng mga halaman hanggang sa kanilang paglabong. Ipinapakita rin nito ang kasaganaan at iba't ibang uri ng mga produktong inani mula sa greenhouse. Ito ay magsisilbing karangalan para sa Irrigators Association, National Irrigation Administration , lokal na pamahalaan, at ng buong komunidad.
 

For questions and/or clarifications, you may contact:
Engr. JIMMY L, APOSTOL
Regional Manager A
NIA XI Regional Office
r11@nia.gov.ph