CONTRACT FARMING PROJECT INILUNSAD SA DAVAO ORIENTAL

Ang launching ng contract farming ay dinaluhan nila Davao Oriental IMO Acting Division Manager Gil G. Valdez, NFA Regional Director Veralew  DG. De Vera, Diosmin G. Ihalas ng PCIC Davao Oriental, PAGRO Davao Oriental Rice Technician Roy T. Tamayo, Francis Niño A. Albaracin ng MAGRO Baganga Davao Oriental,  Eldefonsa L. Reyes MAGRO Cateel Davao Oriental, Cateel Mun. Councilor Hon. Evalilith A. Castro (Committee on Agriculture), NIA XI Institutional Development Section Head Lani M. Sumabat, NIA XI Operation & Maintenance Section Head Al Ted D. Abbot, NIA Davao Oriental IMO IDU Head Christelyn Sobrecarey, at Alexander Lopez Jr. DOPFIA President. 

by: Glades C. Masanguid , Engineer A, Davao Oriental IMO - Uploaded May 9, 2024

Ang Davao Oriental Irrigation Management Office (IMO) ay gumawa ng makabuluhang hakbang tungo sa pagpapaunlad ng agrikultura sa paglulunsad ng Contract Farming Project nito at ang paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) noong Mayo 7, 2024, sa Dapnan-Masao IA (DAMIA) Building sa Baganga, Davao Oriental. 

Ito ay dinaluhan ng iba't ibang mga stakeholders sa agrikultura mula sa rehiyon, na nagtipon upang saksihan ang opisyal na paglunsad ng Contract Farming initiative. Ipinahayag ni Acting Division Manager Gil G. Valdez ang kahalagahan ng pagkakaisa sa kanyang pahayag, "Magtinabangay kita para sa pag-unlad sa atong ekonomiya," (Magtulungan tayo para sap ag-unlad ng ating ekonomiya) na binibigyang-diin ang pangangailangan ng pagtutulungan para sa pag-unlad ng ekonomiya. 

Malugod namang tinanggap ni DAMIA President Gil G. Batao, na ayon sa kanya “Kita ang mamahimong ehemplo para sa sumusunod na mga mag uuma” (Tayo ang magiging halimbawa para sa mga susunod na mga benepisyaryong magsasaka).

Ang paglagda ng mga stakeholders at mga personahe ng NIA sa Pledge of Support Wall sa pangunguna ni Gil G. Valdez, Acting Division Manager ng Davao Oriental IMO.

Ang Contract Farming Project ay naglalayon na mas direktang makapaghatid ng tulong sa mga magsasaka sa pagpapataas ng kanilang produksyon at pagkakaroon ng direktang market access. Ang paglagda ng MOA  ng mga stakeholders ay isang paraan ng Irrigation Management Office sa paglatag ng pundasyon para sa isang mas pinagbuklod na mga kaagapay ng magsasaka sa Davao Oriental. 

For questions and/or clarifications, you may contact:
Engr. JIMMY L, APOSTOL
Regional Manager A
NIA XI Regional Office
r11@nia.gov.ph